^

Police Metro

Trike vs van: 3 dedo

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong katao habang isa ang nasa kritikal na kalagayan nang salpukin ang kanilang sinasakyang tricycle ng isang van sa national highway ng Brgy. Nemmatan, San Agustin, Isabela kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Romnick Mateo; Rolando Dulay; at Sammy Vidad, kapwa nasa hustong gulang. Habang malubhang nasu­gatan ang driver ng tricycle na si Jelson Andres.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay bu­mabagtas ang tricycle sa barangay road nang bigla itong lumabas sa highway na siya namang pagdating ng Hyundai Starex van na minamaneho ni Victor Abarra, 47 at nasalpok ito.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima sa kalsada na dinala ng mga nakakita sa ospital, kung saan ay hindi na umabot ng buhay ang mga ito.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with