^

Police Metro

P1 taas-pasahe sa bus aprub na

Angie dela Cruz - Pang-masa
P1 taas-pasahe sa bus aprub na
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LFRB) Chairman Martin Delgra, na ang provisional P1 fare hike sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila at provisional fare adjustments sa provincial bus ay para sa unang 5 kilometrong takbo ng bus .
File

MANILA, Philippines — Pagkatapos ang pag-apruba ng taas pa­sahe sa mga pampasaherong jeep mula sa P8 ay magiging P10 ay aprub na rin ng taas P1 ang pasahe sa mga bus na bumibiyahe sa Kamaynilaan. Habang may adjustment naman sa pasahe ng provincial buses.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LFRB) Chairman Martin Delgra, na ang provisional P1 fare hike sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila at provisional fare adjustments sa provincial bus ay para sa unang 5 kilometrong takbo ng bus .

Kaya ang kasaluku­yang minimum na P10 fare sa unang limang kilometro ng ordinary bus sa Kamaynilaan ay magiging P11, pero mananatili sa rate na P1.85 ang dagdag sa succeeding kilometer.

Sa airconditioned bus sa Kamaynilaan, ang minimum P12 bus fare ay magiging P13 na para sa unang limang kilo­metrong takbo ng bus at mananati­ling nasa P2.20 ang singil sa suceeding kilometer.

Sa ordinary ng provincial buses ay mananatiling P9 ang fare rates para sa ­unang limang kilometro pero tataas ang singil sa succeeding kilometer na P1.55 mula sa dating P1.40.

Aabutin naman ang minimum na singil sa regular air conditioned bus ng P1.75 per kilometer mula sa P1.60, samantalang sa de luxe aircon bus ay may taas na minimum fare na P1.85 per kilomter mula P1.70 at sa super de luxe aircon bus ay may minimum fare increase na P1.90 per kilometer  mula P1.80, samantalang sa luxury aircon bus ay may minimum fare increase na P2.25 per kilometer mula  P2.40.

Anya, ang lahat ng bus operators ay kailangang magpaskil ng bagong fare matrix na magmumula sa LTFRB Board sa loob ng kanilang sasakyan para sa kaalaman ng publiko at kung wala nito ay walang otorisasyon ang mga itong maningil ng bagong fare adjustment.

Magiging epektibo ang fare hike makaraan ang 15 araw na publication para rito.

vuukle comment

FARE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with