^

Police Metro

Guro inutas ng Cafgu member

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang guro habang nasugatan ang misis ng isang barangay chairman matapos na sila ay pagbabarilin ng isang kasapi ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) kamakalawa ng gabi sa Purok-1, Brgy. Hinipaan, Mercedes, Camarines Norte.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala ng M-16 Armalite rifle sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jefferson Lopez, 35, guro ng Hinipaan ­Elementary School. Habang nasu­gatan nang tamaan ng ligaw na bala ang misis ng kapitan ng barangay na si Erlinda Pardo.

Tumakas ang suspek na kinilalang si Gilbert Balte, residente rin ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay naglalaro ng basketbol sa covered court si Lopez nang dumating ang suspek na naka-full battle gear na may suot na bandolier at tangan ang M16 Armalite rifle.

Nilapitan agad ng suspek ang biktima at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan nang agaran nitong pagkasawi.

Matapos na mapatay ang biktima ay sumugod pa ang suspek sa bahay ng una at pinagbabaril ang sasakyan ng guro at bahay sa paligid at dito ay tinamaan ng ligaw na bala si Pardo.

vuukle comment

CITIZEN’S ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with