^

Police Metro

3 holdaper nanlaban sa mga pulis

Mer Layson - Pang-masa
3 holdaper nanlaban sa mga pulis
Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-6:45 ng umaga sa kanilang hideout sa Purok 3, Zone 6 ng nasabing barangay ay nagtungo ang mga pulis para isilbi ang warrant of arrest kay Despojo na inisyu ni Executive Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court-Branch 29 at 32 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.
File

MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang tatlong holdaper na pusher nang silbihan sila ng warrant of arrest ng mga otoridad sa kanilang hideout sa Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal, kahapon ng umaga.

Ang mga suspek na namatay noon din ay kinilalang sina Jhay Ar Despojo, lider ng grupo, alyas Tisoy; Darry Alvarado, alyas Batik; at isang alyas Vincent.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-6:45 ng umaga sa kanilang hideout sa Purok 3, Zone 6 ng nasabing barangay ay nagtungo ang mga pulis para isilbi ang warrant of arrest kay Despojo na inisyu ni Executive Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court-Branch 29 at 32 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.

Sa halip na sumuko si Despojo ay nanlaban ito kasama ang dalawang kasama sa mga pulis kung kaya’t napatay ang mga ito.

Nasamsam ng mga pulis mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng armas at mga bala, mga explosive device, tatlong motorsiklo at isang Toyota Revo, na hinihinalang pawang mga nakaw, ilang sachet ng droga at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nabatid na ang grupo ay kilalang notorious sa Antipolo City na sangkot sa panghoholdap at illegal drugs.

vuukle comment

HOLDAPER NA PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with