^

Police Metro

2 Arabo tiklo sa pot session sa bar

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang Arabo ang inaresto ng mga otoridad nang maaktuhang bumabatak ng marijuana sa loob ng isang bar sa Brgy. South Triangle, Quezon City kahapon ng umaga.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Adamhassan Ibrahim, 26, at Osama Shalup Dasaeed, 25, kapwa residente ng 19 D’ University Place Condominium na matatagpuan sa Leon Guinto St., Malate, Maynila.

Sa ulat, bago naaresto ang dalawang Arabo dakong alas- 6:45 ng umaga ay nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar nang sila ay makatanggap ng impormasyon tungkol sa nagaganap na pot session ng marijuana sa naturang bar na matatagpuan sa Tomas Morato, kanto ng Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle.

Kaagad na rumesponde ang mga pulis at naaktuhan ang dalawa na sumisinghot ng marijuana kaya’t sila ay agad na dinakip.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang nakabilot na papel na may lamang sinunog na pinatuyong dahon ng marijuana.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with