^

Police Metro

Binata na dumayo ng sayawan, pinatay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi sukat akalain ng isang 28-anyos na binata na ang pagdayo niya ng sa­yawan ay magiging sanhi ng kanyang kamatayan matapos na siya at kasama ay pagbabarilin ng dalawang lalaki habang pauwi na sa kanilang bahay kamakalawa sa Purok-1, Brgy. Libertad, Uson, Masbate.

Agad namatay ang biktima na si Oscar Fernandez, residente ng Brgy. Buena Suerte habang patuloy na ginagamot sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City ang kaibigang si Roco Borris, ng Brgy. Aurora.

Ang dalawang suspek na tinutugis ng pulisya ay kinilalang sina Renald “Pusiw” Alvarado at Recto “Canyot” Araneta, pawang residente ng Brgy. Libertad.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay pauwi na ang mga biktima mula sa pagdalo sa magdamagang sayawan nang sundan ng mga suspek.

Pasakay na ang dalawa sa dalang motorsiklo nang sila ay sugurin at pagbabarilin ng dalawang suspek.

vuukle comment

OSCAR FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with