^

Police Metro

Tatay kinatay ng anak habang natutulog

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nagising pa sa mahimbing na pagkatulog ang isang 65-anyos na tatay matapos na siya ay pagsasaksakin ng kanyang sariling anak kamakalawa ng hapon sa Brgy. Camayabsan, Placer, Masbate.

Namatay noon din ang biktima dahil sa mga tinamong mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Jeffrey Villaganas Jr., habang ang anak nitong suspek na si Gram, 29 ay dinala sa MC Hospital sa Masbate City matapos na saksakin ang sarili.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng anak na armado ng patalim at walang patumangga na undayan ng mga saksak ang ama. Nang mapatay ang tatay ay nagsaksak ito sa kanyang sikmura.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na inoobserbahan sa ospital na kung saan ay inaalam ng pulisya kung bakit nito nagawang patayin ang sariling ama.

vuukle comment

PAGSASAKSAKIN NG KANYANG SARILING ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with