^

Police Metro

Catanduanes local officials kinabahan sa pagdating ni Espenido

Gemma Garcia - Pang-masa
Catanduanes local officials kinabahan sa pagdating ni Espenido
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde at hindi umano dapat silang kabahan kung wala silang masamang ginagawa o kung hindi naman sila sangkot sa illegal na droga.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi umano dapat matakot ang mga local officials ng Catanduanes sa pagkakatalaga sa kanilang lalawigan ni Chief Inspector Jovie Espenido.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde at hindi umano dapat silang kabahan kung wala silang masamang ginagawa o kung hindi naman sila sangkot sa illegal na droga.

Anya, na matagal nang plano ang paglilipat doon ni Espenido at ito rin ang resulta ng kanilang deliberasyon sa oversight committee at mas bagay din umano doon ang opisyal dahil mas maraming problema roon.

Marami rin umanong nagre-request kay Espenido lalo na ang mga taga Visayas at isa rin ang Catanduanes sa may problema lalo na pagda­ting sa illegal na droga.

Agad din nililinaw ni Albayalde na hindi lamang si Espenido ang malilipat kundi ang iba pang commander on the grounds partikular na ang mga station commanders, Chief of Police, City at provincial directors bilang paghahanda na rin sa darating na eleksyon sa susunod na taon at ang pagtatalaga ay bahagi ng kanyang promosyon at gagawin na siyang Superintendent o Lt. Colonel na.

Matatandaan na si Espenido ay dating nakatalaga bilang Chief of police sa Albuera, Leyte nang mapatay nila ang hinihinalang suspected drug lord na si Mayor Rolando Espinosa.

Matapos nito ay inilipat siya sa Ozamiz City kung saan napatay din niya ang suspected drug lord na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

vuukle comment

JOVIE ESPENIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with