^

Police Metro

Mas direktang info tungkol kay Duterte, tiniyak

Rudy Andal - Pang-masa
Mas direktang info tungkol kay Duterte, tiniyak

MANILA, Philippines — Sa pag-upo ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo bilang bagong presidential spokesperson, ay asahan na umano ng publiko ang mas direktang impormasyon tungkol kay Pangulong Duterte.

 

Sinabi ni Sec. Panelo, matagal na niyang kilala at kaibigan si Pangulong Duterte bago pa man ito naging presidente kaya kabisado na niya ang kanyang pananaw at pagkatao.

Ayon kay Panelo, mas maibibigay at maipapaliwanag nito ang mga impormasyong may kinalaman kay Pa­ngulong Duterte, maganda man o masama.

Bukod daw sa magkalapit ang kanilang mga edad, magkasundo o pareho daw sila ng interes, hilig at pa­nanaw ni Pangulong Duterte kaya kahit magkatinginan lamang sila ay nagkakaunawaan na.

Nilinaw din ni Panelo na wala siyang balak palambutin o pagandahin sa pandinig ang mga matatapang na pahayag at pananalita ni Pangulong Duterte, bagkus ipapaliwanag kung paano ang pagkakasabi at eksaktong pakahulugan.

vuukle comment

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with