^

Police Metro

Guilty sa 800 kilo ng shabu... 3 ‘Life’ hatol sa 3 chinese drug lords

Mer Layson - Pang-masa
Guilty sa 800 kilo ng shabu... 3 �Life� hatol sa 3 chinese drug lords

MANILA, Philippines — Tiyak na sa bilangguan na mabubulok ang tatlong Chinese nationals matapos na mahatulan ng korte ng tigatlong habambuhay na pagkakabilanggo makaraang mapatunayang sangkot ang mga ito sa nasabat na halos 800 kilo ng shabu sa isang drug operation sa San Juan City noong taong 2016.

 

Batay sa desisyon ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 264 acting Presiding Judge Genie Gapas-Agbada, na na-promulgate nitong Biyernes, hinatulan ng tigatlong life imprisonment sina Chen Wen De, alyas ‘Jacky Tan’; Wu Li Yong alyas ‘David Go’; at Shi Gui Xiong alyas ‘Xiong’; matapos na mapatunayang nagkasala nang walang pag-aalinlangan ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukod dito, inatasan din sila ng hukuman na magbayad ng tig-P30-mil­yong multa.

Samantala, ang kanilang mga kapwa akusado na sina Salim Arafat, Basher Jamal at Abdullah Jahmal ay hina­tulan din naman ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagmumulta ng tig-P10-milyon.

Sa rekord ng hukuman, nag-ugat ang kaso ng mga akusado sa sunud-sunod na pagsalakay ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Drugs at mga pulis sa tatlong lugar sa San Juan City, na kinabibilangan ng Mangga St., Brgy. Little Baguio; isang fastfood joint sa Annapolis, Greenhills at Bonifacio St., noong ­Disyembre 2016, at nagresulta sa kanilang pagkaaresto at pagkakumpiska ng kabuuang 793, 238 kilo ng shabu.

vuukle comment

ARRESTED

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with