^

Police Metro

Red October lusaw na!

Joy Cantos - Pang-masa
Red October lusaw na!
Ito ang inihayag kahapon ni Defense Chief Delfin Lorenzana tungkol sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung tawagin ay “Red October” matapos ito ay matuklasan ng militar.
Geremy Pintolo

Kasi nabuking sila - Defense chief...

MANILA, Philippines — “Wala na, hindi na natuloy yan kasi nabuking sila eh”.

Ito ang inihayag kahapon ni Defense Chief Delfin Lorenzana tungkol sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung tawagin ay “Red October” matapos ito ay matuklasan ng militar.

Ang “Red October” ay  ang pinagsamang al­yansa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pangunguna ni CPP-NPA founder Jose Maria Sison at ng mga kritiko  ng administrasyon upang agawin ang kapangyarihan kay Pa­ngulong Rodrigo.

Ang Red October na una nang ibinulgar ni AFP Assistant Deputy for Operations (J3) Brig Gen. Antonio Parlade Jr., ay isa umanong alyansa sa pagitan ng CPP-NPA, mga kritiko ni Pangulong Dutete tulad ng Liberal Party, Magdalo Group, Tindig Pilipinas ni da­ting Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III,  Movement Against Ty­ranny, Coalition for Justice at iba pa upang ibagsak ang administrasyon.

Anya, nagpulasan na ang mga nagpaplano sa Red October ouster plot matapos itong mabuking ng AFP.

“There was, we got a document really stating nakalagay dun Red October eh nung ilabas yun ng AFP, initially merong mga kumpol mga grupo pero nung mabulgar sila nagpulasan na kaya hindi na matutuloy”, anang opisyal.

Una na ring ibinulgar ni Parlade na maging ang 18 kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ay sinasabing aktibo ang recruitment ng CPP-NPA sa mga estudyante upang lumahok sa Red October plot.

“Lusaw na yung  Red October, white Christmas na siguro kasi pasko na eh,” pabiro at nakangiti pang sinabi Lorenzana.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with