Joy Belmonte naghain ng kandidatura para Quezon City mayor
MANILA, Philippines — Kahapon ay pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte bilang kandidatong alkalde sa lungsod sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Commisssion on Elections-QC.
Kasama ni Vice Mayor Belmonte na nag-file ng kanilang COC ang kanyang tatay na si Congressman Sonny Belmonte.
Nagsumite na rin ng kanyang kandidatura si Councilor Gian Sotto na tatakbong Vice Mayor na sinamahan ng kanyang ama na si Senate President Tito Sotto at inang si Helen Gamboa.
Nag-file rin ng kanyang COC si Mikey Belmonte bilang Councilor sa ikalawang distrito, Councilors Vincent Belmonte, Lala Sotto, at Wency Lagumbay; Congressman Kit Belmonte at iba pa.
- Latest