^

Police Metro

2 todas sa karambola ng 7 behikulo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang katao habang pito ang nasugatan sa naganap na karambola ng pitong sasakyan kabilang ang isang military truck sa national highway ng Purok Maabtikon, Brgy. Paglaum, Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Ariel Napalcruz, 31; at Mario Balabag nasa hustong gulang na pawang nagtamo ng malubhang sugat sa katawan.

Ang mga nasugatan na dinala sa mga pagamutan ay kinilalang sina Corporal Fedilo Tabotabo, ng Army’s 44th Infantry Battalion; Ronie Asilo, 40; Esterlita Asilo, 66; Simplicio Noval Sr., 49 ; Juldan Aiyadi, 21 ; Liezel Pepito, 24 at Milky Magsayo, 26.

Sa ulat, bago nangyari ang karambola ng mga sasakyan dakong alas-9:00 ng umaga sa nasabing highway ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang isang kulay asul na 6 wheeler fish truck (XFA 897) nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa palusong na bahagi ng national highway.

Bunsod upang masalpok nito ang mga kasunod na Toyota Corolla (A1 F975),Toyota Wigo (NPDL ) Mitsubishi truck, isang MC XRM na motorsiklo; truck ng Philippine Army 44th Infantry Battalion (SKM 308) na minamaneho ni Staff Sergeant Anthony Frando at dump truck (RFP 189) at ang nasabing fish truck.

vuukle comment

MILITARY TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with