Digmaan ng AFP AT MILF tapos na - AFP Chief
MANILA, Philippines — Sa kauna-unahan na natala sa kasaysayan ng Pilipinas na ang isang mataas na opisyal ng militar ang bumisita sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Darapan, Sultan Kudarat, Maguindanao, kamakalawa.
Sa pagbisita ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Carlito Galvez Jr. ay kanyang opisyal na idineklara na tapos na ang giyera sa pagitan ng AFP at MILF.
“Ideklara ko ngayon officially na wala nang digmaan (I now declare officially that there is no more war) between AFP at MILF. Let’s respect peace in Mindanao. Starting today we have a strong partnership dahil napakatagal, napakahirap ng kanilang trabaho,” wika ni Galvez.
Si Galvez na bago naging AFP chief ay naging division commander at commander of Western Mindanao Command at chairman din ng Government’s Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities.
Inimbita rin ni Galvez si MILF chairman Murad Ebrahim na bumisita sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo.
Ayon naman kay Ebrahim na si Galvez ay kaibigan ng Bangsamoro.
“Once I hang my uniform pwede ko na ikampanya para isulong ang BOL sa lahat ng nasasakupan.’Yung challenges we will solve it, together we will make it happen. I will dedicate my service pro-bono,” pagwawakas nito.
- Latest