^

Police Metro

Magkaklase todas, 7 sugatan sa banggaan

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead-on-arrival ang isang magkaklase habang ang pito nilang kasama ay nasugatan matapos ang sinasakyan nilang pick-up truck ay nawalan ng preno at dumausdos hanggang sa bumaliktad ng apat na beses kamakalawa sa Sitio Lantawan, Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Mira Atillo at Irish Rabina, kapwa18-anyos.

Habang ang mga nasugatan ay kinialalang sina AJ Nogas, 18; Abdelasis Jubail; Chrizhel Lagutin Dacanay; Robert Alvarez Greg; Karen Lee Castillo; Shariff Gadsali Usman, at Merhanisa Kahal Andih, kapwa mga 18-anyos.

Sa ulat, katatapos lang mamasyal ng mga biktima at pauwi na ang mga ito sa kanilang mga bahay.

Habang pababa ang kanilang sasakyan sa matarik na bundok ay nawalan umano ito ng preno dahilan para dumausdos at bumangga sa isang nakaparadang motorsiklo.

Dumiretso ito sa paanan ng isan gulod at bumaligtad ng 4 na beses na kung saan ang dalawang nasawi ay nadaganan ng kanilang sasakyan. Ang mga nasugatan ay dinala sa iba’t ibang pagamutan.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with