^

Police Metro

Philippine Navy warship dumating na sa Russia

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumating na kahapon ang BRP Tarlac (LD 601) ng Pilipinas sa Vladivostok, Russia para sa anim na araw na port call visit at inaasahang lalakas pa ang kooperasyon at alyansa sa pagitan ng Philippine Navy team at ng counterpart na Russian Navy.

Ang nasa 400 officers at enlisted personnels ng Philippine Navy na lulan ng strategic sealift vessel BRP Tarlac (LD-601) ay dumating nitong Lunes ng hapon sa Vladivostok.

Agad namang tumanggap ng mainit na welcome ang Philippine Navy team sa pangunguna ni Naval Task Force (NTF) 87 Chief Captain Florante Gagua.

Nabatid na sinalubong ang mga ito ng Russian Navy officers at ng mga kababaihang Ruso na binigyan ang mga ito ng tinapay na may asin bilang bahagi ng kanilang tradisyon sa pagtanggap ng mga bisita .

Ang Philippine Navy team ay dumating sa Russia matapos ang sampung araw na paglalayag sa karagatan.

Sinaksihan naman ni Philippine Ambassador To Russia, His Excellency Carlo Sorreta at Defense Armed Forces Attache Col. Dennis Francis Pastor ang nasabing welcome ceremony para sa PH Navy team.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with