NPA rebels arestuhin kahit walang warrant
Utos ni Duterte sa militar...
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na unahan nang arestuhin ang New People’s Army (NPA) dahil hindi na kailangan ang arrest warrant para sa mga rebeldeng komunista.
“Neutralization na tayo ngayon. There is no crime prevention because the crime is being perpetrated 24 hours a day,” mensahe ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa pagdalaw nito sa Catarman, Samar.
“Di mo na kailangan mag-tanong ng warrant-warrant. Kung may dala kang baril, Sparrow ka, you can be neutralized,” wika pa ng Pangulo.
Binatikos din ni Duterte ang rebeldeng komunista dahil sa loob ng mahigit 50 taon ay wala namang ginawa ang mga ito kundi pumatay ng sundalo, pulis at sibilyan.
Dinalaw kahapon ni Pangulong ang heavy NPA infested kaya namigay siya ng side arm sa mga sundalo para may short firearm sila kapag lumalabas ng kampo.
- Latest