^

Police Metro

Mag-ama tiklo sa shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-ama ang dinakma ng mga otoridad matapos na masakote sa isinagawang buy-bust operation sa General Trias City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Humihimas na sa rehas ang mag-amang sina Ryan Gonzales at anak nitong si Rojan, residente ng Sunny Brook 2 ng naturang lungsod at pawang nasa drug list ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng Gen. Trias Police, dakong alas-6:00 nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek matapos ang ilang araw na surveillance. 

Makaraang magkapalitan ng droga at buy-bust money ang mga suspek at ang poseur buyer na pulis ay agad na dinakma ang mag-ama at nakuha sa mga ito ang may 2. 4 gramo ng shabu na nakalagay sa 5 plastic sachet.

Nabatid na matagal nang nagtutulak ang mag-ama at kadalasan ay ang anak ang nakikipagtransaksyon sa kanilang mga buyer.

 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with