^

Police Metro

HVT ng Imus napatay, 3 tiklo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng tinaguriang Tribal Group at nasa talaan ng High Value Target ng Imus-PNP ang nasawi habang ang 3 nitong kasama ay naaresto sa isang drug buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Toclong 1A, Imus City, Cavite. 

 

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Sandy Medina, residente ng nasabing lugar. Habang naaresto ang tatlong kasama nito na sina Edgardo De Gabi, 45; Jacklyn Reyes, 41; at James Magno, 37, pa­wang residente ng Tahimik St. Brgy. Toclong 1A.

Sa ulat, pasado alas-5:30 ng hapon nang isa­gawa ang drug buy-bust operation laban sa mga suspek na kung saan ay nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Sa gitna ng transak­syon ay nakatunog ang isa sa mga suspek na si alias Triplanes na pulis ang kanilang mga kaharap kaya agad na nagsipulasan ang mga ito.

Nauwi sa habulan at barilan na ikinasawi ni Medina at pagkaaresto nina Reyes at Magno habang nakatakas sina alyas Triplanes at isang alyas De Lima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with