^

Police Metro

Pagbasura sa TRO ni Trillanes, gawing pinal-Solgen

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pagbasura sa TRO ni Trillanes, gawing pinal-Solgen
Ito ang nais ng Office of the Solicitor General (OSG) at sa 200-pahinang komento ay tinukoy ng una na mismong ang kampo ng petitioner ang umamin sa pagdinig sa Makati Regional Trial Court Branch 150 noong September 13, 2018 na wala siyang ­aplikasyon para sa amnesty.
The STAR/Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — “Gawing pinal ng Korte Suprema ang pagbasura sa petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV na kumukuwestiyon sa pagpapawalang bisa ng Malacañang sa kanyang amnestiya”.

Ito ang nais ng Office of the Solicitor General (OSG) at sa 200-pahinang komento ay tinukoy ng una na mismong ang kampo ng petitioner ang umamin sa pagdinig sa Makati Regional Trial Court Branch 150 noong September 13, 2018 na wala siyang ­aplikasyon para sa amnesty.

Ginawa pa raw na attachment o kalakip ng senador sa kanyang petisyon ang news article kung saan tumanggi siyang umamin umano ng guilty o pagkakasala.

Hindi rin nakatugon si Trillanes sa utos ng Makati RTC Branch 148 noong 2010 na isumite ang kanyang aplikasyon.

Natuklasan pa umano ng OSG na ang petisyon na inihain sa Korte Suprema ay hindi naman napa­numpaan ni Trillanes sa harap ng isang Notary Public.

“The Senate has no record of Notary Public Atty. Jorvino Angel going in and out of the Senate on 5 September 2018, the date when Trillanes purportedly swore in his Petition,” pag­lalahad ng OSG.

Kaduda-duda rin umano ang lagda ni Atty. Angel dahil kaiba raw ang pirma nito sa petisyon ni Trillanes kumpara sa iba pang dokumento na kanyang ni-notaryo.

Hinihiling din umano ng OSG sa Makati RTC Branch 148 at 150 na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with