^

Police Metro

Red tape sa MTRO, nabuko

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabuko ng bagong talagang hepe ng Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO) na si Totie Diokno ang umano’y red tape sa tanggapan na nagsisilbing sagabal para makakuha ng mabilis ang mga miyembro ng TODA.

Sinabi ni Diokno, inayos nila ang sistema ng pagbibigay ng permit sa mga operator  upang maiwasan na ang red tape kung saan hindi napupunta sa city hall ang buong bayad sa permit at pinagpapabalik ang operators.

Ang kanilang operasyon laban sa mga tauhan ng MTRO ay bunsod  na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na linisin ang hanay ng mga TODA upang makapaghanap buhay nang maayos at hindi makakaabala sa daloy ng trapiko at motorista.

Pinayuhan ni Diokno ang mga operators na ayusin at kumpletuhin lamang ang kanilang aplikasyon ay mabilis na mapoproseso ang kanilang permit.

Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng clearing operation ang MTRO sa North Bay Boulevard at saan nadiskubre na maraming tricycle ang pumapasada ng walang permit.

Binibigyan lamang ang mga operator ng stub para pabalik balikin sa proseso ng permit.

vuukle comment

MTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with