^

Police Metro

Criminology stude, kasabwat tiklo sa ‘tsongke’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa man ganap na isang alagad ng batas, isang Criminology student ang bumagsak sa kamay ng batas at ang kasapakat nito na kanyang ‘runner’ matapos na masakote ng mga tauhan ng San Juan Police habang aktong nagtutulak ng imported na high-grade marijuana, kamakalawa ng madaling araw.

 

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director, P/Chief Supt. Bernabe Balba ang mga naarestong suspek na sina John Joseph Delos Reyes, 20, binata, 3rd year Criminology student sa isang unibersidad sa Maynila at residente ng R. Lagmay St., Brgy. Balong Bato, at Lloyd Lumogdang, 23, ng 520 Atty. Mendoza St., Brgy. Pedro Cruz, San Juan City.

Batay sa report, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maaresto ng mga otoridad ang mga suspek sa N. Domingo St., sa Brgy. Balong Bato.

Bago ang pag-aresto, nakatanggap ang pulisya ng tip na si Delos Reyes ay supplier umano ng high-grade na marijuana, na kilala sa tawag na ‘Kush,’ at si Lumogdang naman ang kanyang nagsisilbing ‘runner,’ kaya’t isinailalim sila sa surveillance.

Kaagad na silang dinampot ng mga pulis nang maaktuhang nagbebenta ng ‘Kush,’ sa tulong ng isang impormante, na dating customer ng mga suspek.

Modus operandi umano ng mga suspek na makipag-transaksiyon sa kanilang mga kliyente sa social media at saka personal itong ide-deliber.

Ang mga suspek ay nakumpiskahan ng P3,000 halaga ng ‘Kush’ at buy-bust money, at kapwa nakakulong na sa San Juan Police.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with