^

Police Metro

6 timbog sa P2 milyong shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang anim na katao kabilang ang dalawang kawani ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO makaraang makumpiskahan ng nasa P2-milyong halaga ng shabu sa ikinasang drug-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ng Bacoor City Police ang mga nasakoteng suspek na sina Ariston Menez, 42, at Romeo Menez, 41-anyos; pawang empleyado ng CENRO; Luzviminda Barrameda, 36; Olive Barrameda, 19; Ma. Madiline Gemino, 44; Gerardo Quinton, 49 taong gulang.

Isang pulis ang umaktong poseur buyer at naki­pag-deal sa mga suspek ng 1.5 gramong shabu na may halagang P10,000.

Ang tatlong suspek na babae ang magkakasamang nakipag-deal sa nasabing buyer, at nang magpositibo ay dito na sila dinakma ng mga otoridad, habang ang tatlo pang suspek na nagsilbing look-out ay agad ding nadakip.

Unang nasabat sa mga ito ang may 226.9 gramo ng shabu na nagkakaha­laga ng P1, 542, 920.00, at isa pang maliit na plastic container na may shabu na tumtimbang ng 63.4 grams na nagkakahalaga ng P431,120.00.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with