^

Police Metro

Bakbakan sa Sulu: 7 Abu dedo, 24 sugatan

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ang pitong miyembro ng teroristang grupong Abu Sayyaf habang 24 ang sugatan kabilang ang 17 mula sa tropa ng militar at isang lider ng mga bandido at anim nitong mga tauhan sa naganap na bakbakan sa Brgy, Bakong, Patikul, Sulu nitong Biyernes ng hapon.

 

Ito’y kasunod ng isinasagawang search and rescue operation sa nalalabi pang mga hostages kabilang ang ilang dayuhan na hawak ng mga bandidong kidnappers.

Kinilala ni Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng AFP-Eastern Mindanao Command ang nasugatang lider ng Abu Sayyaf na si Hatib Hajan Sawadjaan, nagtamo ng grabeng tama ng bala sa tiyan at ibabang bahagi ng katawan. Nasa anim din nitong tauhan ang sugatan sa engkuwentro.

Patuloy namang inaalam, ang pagkakakilanlan ng pitong miyembro ng grupo na napatay sa bakbakan.

Samantalang dinala na sa Kuta Teodolfo Bautista Station Hospital para malapatan ng lunas ang 17 nasugatang sundalo na miyembro ng Joint Task Force (JTF) Sulu.

Bandang ala-1:30 ng hapon, nang makasagupa ng tropa ng militar ang nasa 100 mga armadong bandido sa magubat na bahagi ng nasabing lugar.

Tumagal ang palitan ng putok ng ilang minuto hanggang sa magsitakas ang mga bandido na inabandona ang mga napatay nilang kasamahan.

Patuloy namang tinutugis ng tropa ng militar ang nalalabi pang grupo ng mga bandido sa lalawigan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with