^

Police Metro

Bangis ni Ompong: 7 patay, Northern Luzon pilay

Joy Cantos - Pang-masa
Bangis ni Ompong: 7 patay, Northern Luzon pilay
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, malungkot na ibinalita ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na dalawang rescuers ang nagbuwis ng buhay sa Cordillera Region habang nagsasagawa ng search and rescue operations sa mga residente na hinahagupit ng bagyo.
File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng hangarin ng mga otoridad na makapagtala ng zero casualty sa pananalasa ng supertyphoon na si ‘Ompong’, pitong katao ang naitalang nasawi kabilang ang dalawang miyembro ng rescue team habang napilay ang malaking hilagang bahagi ng Luzon matapos na mawalan ng supply ng kuryente sa kasagsagan ng walang habas na pananalasa ng bagyo kahapon ng madaling araw.

 

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, malungkot na ibinalita ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na dalawang rescuers ang nagbuwis ng buhay sa Cordillera Region habang nagsasagawa ng search and rescue operations sa mga residente na hinahagupit ng bagyo.

Gayunman, pansamantalang hindi muna tinukoy ni Jalad ang pagkakakilanlan sa mga biktima dahil kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Sinabi naman ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr., tatlo ang naiulat na patay ng kanilang mga himpilan ng pulisya, isa rito ay ang isang siyam na taong gulang na batang babae na narekober ang bangkay sa Javier Bridge sa Marikina City kahapon.

Ang dalawa pa ay miyembro naman ng mga pamilya na ang bahay ay natabunan ng landslide sa magkakahiwalay na insidente sa Itogon, Benguet habang dalawa pa ang nawawala.

Maituturing na isang delubyo ang dulot ni Ompong nang pilayin nito ang Region I, II, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region kung saan pinakagrabeng naapektuhan ang Cagayan sanhi ng sobrang lakas na hangin at mga pag-ulan kung saan maraming mga gusali at tahanan ang nawalan ng bubungan habang nagtumbahan din ang mga poste ng kuryente, communication lines at maraming nasirang mga pananim.

Samantalang sinakmal naman ng brownout ang maraming mga lalawigan sa partikular na sa Region 1 at II na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Nueva Vizcaya, Benguet maliban sa La Trinidad, Mt. Province, Abra, Kalinga at iba pa.

vuukle comment

TYPHOON OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with