^

Police Metro

Makati RTC hindi pa rin naglabas ng warrant at HDO vs Trillanes

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
Makati RTC hindi pa rin naglabas ng warrant at HDO vs Trillanes
Pinagbigyan naman ng korte ang hiling ng kampo ni Trillanes na bigyan ng 10 araw para magsumite ng rejoinder at supplemental comments para sa naunang komento ng DOJ hinggil sa resolusyon ng Korte Suprema.
Ted Aljibe/AFP

MANILA, Philippines — Matapos ang 10 araw para magkomento sa motion na inihain ng Deparment of Justice ay hindi pa rin naglabas kahapon ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) si Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Andres Bartolome Soriano ng Branch 148 laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Alas-9:00 kahapon ng umaga  nang isagawa ang pagdinig sa sala ni Judge Soriano at dumalo ang abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles habang tatlo sa DOJ pro­secution panel na sina Prosecutors Richard Anthony D. Fadullon; Juan Pedro C Navera at  May Jane W. Sytat.

Hiniling ni Atty. ­Robles, na bigyan sila ng sapat na panahon para makapagsumite ng rejoinder at dagdag na komento sa motion na inihain ng  DOJ laban sa senador.

Pinagbigyan naman ng korte ang hiling ng kampo ni Trillanes na bigyan ng 10 araw para magsumite ng rejoinder at supplemental comments para sa naunang komento ng DOJ hinggil sa resolusyon ng Korte Suprema.

Habang binigyan naman ng korte ng limang araw ang DOJ para tumugon sa ihahaing supplemental comments ni Trillanes.

Magugunita na naghain ang DOJ ng motion para labasan ng warrant of arrest at HDO si Trillanes sa Makati City RTC matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang amnestiyang ibinigay sa senador  ng nakaraang administrasyon dahil sa kasong kudeta at rebellion noong 2003 at Manila Pe­ninsula Seige noong 2007.

Ngayong umaga ay didinggin naman ang kasong rebelyon sa sala ni Makati City RTC Judge Elmo Alameda, ng Branch 150.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with