^

Police Metro

Duterte pinangunahan ang paghahanda kay Ompong

Rudy Andal - Pang-masa
Duterte pinangunahan ang paghahanda kay Ompong
Minomonitor ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pagdating ng bagyong Ompong (Mangkhut) sa opisina ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Quezon City.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang isang command conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang matiyak na ang bansa ay nasa pinakamataas na pagha­handa laban sa pagdating ng bagyong Ompong.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa P1.7 billion na food packs at relief assistance ay handa nang ipamahagi sa mga posibleng maapektuhan nang pananalanta ng bagyo.

Si Ompong ay napa­balitang sasalantahin ang lalawigan ng Cagayan sa Sabado ng umaga na may dalang malakas na ulan sa sukat na 900-kilometer diameter.

“Naka-red alert na po ang NDRRMC at naka-activate na rin ang kanilang Response Cluster. Samantala,ang reporting systems naman po ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay naka-activate na upang masubayba­yan ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan partikular na ang kanilang pre-emptive evacuation,”wika pa ni Sec. Roque.

Idinagdag pa ni Roque na may mga Quick Response Teams na na nakadeploy sa probinsya ng Batanes at nakapag-establish na rin ng mga alternatibong communication devices para tiyakin na bukas pa rin ang mga linya ng komunikasyon sa pagtama ng bagyong Ompong.

vuukle comment

BAGYONG OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with