^

Police Metro

Ginang na drug courier timbog sa P4-M shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa
Ginang na drug courier timbog sa P4-M shabu
Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nitong Martes nang maganap ang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO, MPD-Station 4 at Philippine Drug Enforcement Agency sa loob ng compound ng no. 907 Palawan St.,Sampaloc, Maynila.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Isang ginang na drug courier ng isang pulis na nakakulong dahil sa droga ang naaresto sa isang buy bust operation matapos makuha sa kanya ang nasa P4,420,000.00 halaga ng shabu sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Amelita Sabino, na da­ting natukoy na drug courier ng nakapiit sa Manila City Jail na si PO2 Jolly Lapuz Aliangan, dating nakatalaga sa  Regional Anti-Illegal Drugs ng National Capital Region Police Office matapos siyang arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) noong May 26, 2016 sa  paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nitong Martes nang maganap ang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO, MPD-Station 4 at Philippine Drug Enforcement Agency sa loob ng compound ng no. 907 Palawan St.,Sampaloc, Maynila.

Nang maibigay na ang shabu ay tinanggap umano ni Sabino ang walong bundle ng boodle money na naging hudyat para siya arestuhin.

Nasamsam sa suspek ang pitong malalaking sachet ng shabu na may tumitimbang ng 659 gramo.

Tinutugis naman ang anak ni PO2 Aliangan na isang alyas Diane na hinihinalang nagbabagsak ng shabu kay Sabino at hinala ng pulisya na nagmamando pa rin ang dating pulis para sa pagsuplay ng shabu sa Metro Manila, CALABARZON.

vuukle comment

ILLEGAL DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with