30 pasyente ng HIV/Aids namatay
MANILA, Philippines — Nasa 30 pasyente ng HIV/AIDS infection ang iniulat na namatay noong Hulyo 2018.
Batay sa report ng Department of Health (DOH) na inilabas ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) ng DOH-National Epidemiology Center (NEC) noong Hulyo lumilitaw na kasama ito sa 859 bagong kaso ng HIV/AIDS infection na naitala nila sa bansa sa naturang buwan lamang.
Lumilitaw sa datos ng HARP, sa bilang ng mga nasawi ay 28 ang lalaki at dalawa naman ang babae.
Isa sa nasawi ay wala pang 15-anyos ang edad nang mamatay dahil sa sakit, tatlo naman ang nasa 15-24 taong gulang, 15 ang nasa 25-34 years old, siyam ang nasa 35-49 years old lamang, at dalawa ang nasa 50-taong gulang pataas na.
- Latest