^

Police Metro

20 pa sugatan, konduktor ng bus putol ang paa sa aksidente sa Quezon City

Mer Layson - Pang-masa
20 pa sugatan, konduktor ng bus putol ang paa sa aksidente sa Quezon City
Nagkaluray-luray ang unahang bahagi ng pampasaherong bus na ito matapos na sumalpok sa isang poste sa Commonwealth Ave. sa lungsod ng Quezon makaraan umanong mawalan ng preno, kamakalawa ng gabi. Naputulan ng paa ang 29-anyos na kunduktor ng bus habang 20 pasahero ang nasugatan na naturang aksidente.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Kamalasan ang inabot ng isang 29-anyos na kunduktor ng bus makaraang maputulan ng paa habang 20 katao pa ang nasugatan nang sumalpok sa isang poste ang sinasakyan nilang bus sa lungsod ng Quezon, kamakalawa ng gabi.

Patuloy na ginagamot sa East Avenue Medical Center ang kunduktor ng bus na si Jeffrey Millena Simbulan, binata na nakatira sa Blk. 55 Lot Area C Purok Sapang Palay.

Ang 20 pang nasugatan ay una rin isinugod sa nasabing pagamutan matapos magtamo ng sugat, galos at bukol sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Leonardo Policarpio ng Quezon City Traffic Sector, dakong alas-10:55 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa Commonweath Ave., Northbound lane corner Magsaysay St., Brgy. San Vicente, Quezon City.

Ayon sa driver ng bus ng Precious Grace Transport na may biyaheng Grotto-NAIA na si Joel Castillon, hindi umano kumagat ang preno ng bus kaya ibinangga na lamang niya sa isang poste sa Commonwealth Ave. malapit sa U.P TechnoHub upang maiwasan ang mas malagim na aksidente.

Tiniyak naman ng may-ari ng bus na sasagutin nila ang lahat ng gastos sa pagpapa-ospital sa mga nasugatang pasahero. Gayunman ay kakasuhan pa rin ng reckless dri­ving, resulting to mulitple physical injuries ang driver ng bus.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with