^

Police Metro

Lalaki inutas sa masamang tingin

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang umano’y pagtingin nang masama ng isang 35-anyos na lalaki habang umiinom sa loob ng isang videoke bar sa apat na kalalakihan ang naging dahilan ng kamatayan nito matapos na siya ay pagtulungang gulpihin at saksakin kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Francis Bonador, binata, at naninirahan sa No. 215 Sitio 6 Brgy. Catmon.

Sa apat na salarin, ta­nging ang 17-anyos na itinago sa alyas na “Masoy” ang nadakip ng mga pulis at nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office.Habang pinaghahanap ang mga kasamahan niyang sina Yong Jaramilla, Noriel Loyogoy, at Richard Tu­ling, pawang mga tindero at nakatira sa Sito 6 Dumpsite, ng naturang barangay.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling araw ay nag-iinuman ang grupo ng mga suspek at ang biktima sa magkahiwalay na mesa sa loob ng Bingbok Eatery and KTV sa may No. 199 Gov. Pascual, Brgy. Tugatog.

Nilapitan ng suspek na si Loyogoy ang biktima sa kanyang mesa at tinanong kung bakit masama makatingin na hindi nagustuhan ng huli ang tanong kaya’t pumalag ito na nauwi sa suntukan.

Sinaklolohan si Loyogoy ng mga kasama at sinaksak ni Jaramilla ang biktima sa kanang kili-kili habang habang pinalo naman siya sa ulo ng bote ng beer ng binatil­yong si Masoy.

Naawat naman ng mga tauhan ng bar at tanod ang mga suspek na nagsitakas ngunit nadakip ng mga tanod si Masoy. Ang mga suspek ay kinasuhan ng  murder sa Malabon City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

FRANCIS BONADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with