^

Police Metro

Ex-Malaysia Deputy PM hanga kay Rizal at Erap

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Personal na tinanggap ni dating Malaysia Deputy Prime Minister Dato Seri Anwar Ibrahim ang iginawad na parangal ng mataas na pagkilala ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM).

Pinangunahan nina Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, PLM President Dr. Lenny De Jesus, at Board of Regents ng PLM na sina Atty. Bienvenido E. Laguesma, Dr. Benjamin Espiritu, Ms. Wilma V. Galvante, at Atty. Ramon S. Bagatsing, Jr. ang paggawad ng hono­rary degree Doctor of Laws (honoris causa) kay Anwar na ginanap sa PLM Auditorium.

Sa kanyang talumpati,pinasalamatan ni Anwar ang kanyang kaibigan na si Estrada na inamin na malaki ang kanyang paghanga sa alkalde hindi lamang dahil magaling itong aktor kundi may “puso” at malasakit sa mga mahihirap.

Nakikita niya sa mga programa at proyekto ni Estrada bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila ang kanyang pagmamahal sa mga mahihirap tulad na lamang ng programa nitong “from womb to tomb” kung saan sagot lahat ng lokal na pamahalaang lungsod ang panga­ngailangan ng Manilenyo lalo na ang mga maralita mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang pagtanda at kanilang kamatayan.

Ibinahagi rin ni Anwar ang kanyang karanasan nang makulong umano siya ng anim na taon kung saan nabasa nito ang ilang aklat na isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal na kanya ring hinangaan.

Ang pagbibigay ng honorary degree Doctor of Law kay Anwar ay dahil sa kanyang pagkilala sa rule of law at paglaban sa korapsyon sa kanilang bansa.

vuukle comment

DATO SERI ANWAR IBRAHIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with