Sheryl Cruz tatakbong konsehal ng Maynila-Erap
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Manila Mayor Joseph Estrada na tatakbo sa ikalawang distrito ng lungsod ang aktres at singer na si Sheryl Cruz.
Sa panayam kay Estrada, sinabi nito na nais ni Cruz na makatulong sa lungsod at mabigyan ng maayos na buhay ang bawat Manilenyo partikular ang mga kababaihan at kabataan.
Ayon kay Estrada, may puso si Cruz at nais nitong ituloy ang adbokasiya na matulungan ang mga kababaihan sa lungsod.
Binigyan diin ni Estrada na kailangan niya ng bagong lider at konsehal na mag-aahon sa kahirapan sa mga Manilenyo.
Si Cruz, Sheryl Rose Anna Marie Sonora Cruz sa tunay na buhay ay anak ng dating aktres na si Rosemarie Sonora at movie actor na si Ricky Belmonte.
Pamangkin naman ito ng movie actress na sina Susan Roces at Fernando Poe, Jr., na matalik na kaibigan ni Estrada.
- Latest