^

Police Metro

Pigilin ang gigil, mag-family planning-Erap

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pigilin ang gigil, mag-family planning-Erap
Batay sa report hindi mabubuntis ang isang ina na magpapalagay ng subdermal contraceptives implants sa loob ng tatlong taon na malaking tulong upang magkaroon ng agwat ang pagbubuntis ng isang ina.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Pigilin ang panggigigil para sa kinabukasan ng mga anak”.

Ito ang apela ni Manila Mayor Joseph Estrada sa harap ng mga ina, kabataan at mga kinatawan ng Department of Health kasabay ng papatupad ng ‘Subdermal contraceptives implants’.

Batay sa report hindi mabubuntis ang isang ina na magpapalagay ng subdermal contraceptives implants sa loob ng tatlong taon na malaking tulong upang magkaroon ng agwat ang pagbubuntis ng isang ina.

Anya,kailangang maging responsable na sa pagkakaroon ng anak ang bawat magulang dahil mismong ang kanilang mga anak ang siyang kawawa at hindi nabibigyan ng maayos na buhay.

Sinabi naman ni Manila Health Department chief Dr. Benjamin Yson, epektibo ang nasabing implant dahil sumailalim ito sa masusing pag aaral.

Bagamat dadanas ng ilang sintomas ang isang ina tulad na rin ng kanyang nararanasan tuwing may monthly period ay maaari ding tanggalin ang  implant sakaling naisin ng mag asawa na magkaanak.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with