^

Police Metro

Mga terorista sa Mindanao hinahanting

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target lipulin ng tropa ng gobyerno ang mga te­rorista sa rehiyon ng Min­danao na kinabibilangan ng 6 banyaga at 285 lokal na terorista.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa Sulu ay nasa 100 ang hinahanting na Abu Sayyaf habang 35 naman sa Basilan.

Ang mga bandidong terorista sa Sulu ay may hawak pang siyam na hostages kaya nag-iingat sa operasyon ang tropa ng Joint Task Force (JTF) Sulu na pinamumunuan ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo.

Sinabi ni Lorenzana na 150 namang BIFF ang pakay malipol sa Central Mindanao bukod pa dito ay nasa anim na dayuhang terorista mula sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at Jemaah Islamiyah (JI) terrorists.

Magugunita na muling iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalakas ng opensiba upang tuluyan nang malipol ang lahat ng mga terorista sa Mindanao Region na nasa ilalim ng martial law.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with