^

Police Metro

Erap tutulungan ang MCJ detainees

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Erap tutulungan ang MCJ detainees
Ayon pa kay Estrada na ang pagtatapos ng mga bilanggo na ang 114 ay nakapagtapos sa elementarya, 35 sa sekondarya at 158 ay skilled training sa Tesda na isang hudyat ng paglaya nila sa rehas ng kamangmangan at mas malawak na ang kanilang kaalaman na mapapakinabangan nila paglabas sa bilangguan.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Handa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na tulungan makapagsimula ang may 617 preso ng Manila City Jail (MCJ) na nagtapos kamakailan ng mga kursong vocational sa ilalim ng Alternative Learning System and Informal Education na prog­rama ng Bureau of Jail Management (BJMP) and Penology, Tesda, Department of Education at ng local na pamahalaan sa sandaling makalaya na sila sa piitan.

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada, na Chairman ng Peace and Order Council, dahil ang proyekto ay patunay na posibleng mabago ng pamahalaan ang pagkatao ng mga bilanggo kahit ano pa ang kanilang na­ging kaso.

Ayon pa kay Estrada na ang pagtatapos ng mga bilanggo na ang 114 ay nakapagtapos sa elementarya, 35 sa sekondarya at 158 ay skilled training sa Tesda na isang  hudyat ng paglaya nila sa rehas ng kamangmangan at mas malawak na ang kanilang kaalaman na mapapakinabangan nila paglabas sa bilangguan.

Ang graduation nitong nakaraang linggo ay dinaluhan ni City Administrator Atty. Ericson  Alcovendaz at BJMP NCR Director Jail Superintendent Dennis Rocamora at mga kinatawan ng DepEd.

Related video:

vuukle comment

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

MANILA CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with