^

Police Metro

Adik binoga sa loob ng kompyuteran

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na sinasabing dating sumuko sa Oplan Tokhang ngunit patuloy sa pagiging adik sa paggamit ng shabu ang bumulagta matapos siyang pagbabarilin ng dalawang kalalakihang naka-face mask habang naglalaro sa isang computer shop sa Malabon City kamakakalawa ng gabi.

 

Sanhi ng ilang tinggang buhat sa kalibre .45 baril na itinanim sa kanyang bungo, dead-on-the-spot ang biktimang si Raul Ang, nakatira sa #219 Hernandez St., Brgy. Catmon ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-8:50 kamakakalawa ng gabi sa loob ng Johncel’s Pisonet sa People’s Coalition for Housing Right, Hernandez St., Brgy. Catmon.

Habang naglalaro ang biktima sa computer ay biglang dumating ang dalawang kalalakihan na nakamaskara at armado ng kalibre .45 baril at walang abug-abog na binoga ito nang malapitan sa ulo dahilan upang malagutan agad ito ng hininga.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos na duguang bumulagta ang biktima.

Nabatid sa record ng pulisya, na isa umanong drug user ang biktima na minsan nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with