^

Police Metro

Wanted na lalaki at nobya dedo sa granada

Joy Cantos - Pang-masa
Wanted na lalaki at nobya dedo sa granada
Batay sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon ay tinutugis ng mga otoridad si Escobido na may 12 warrant of arrest na inisyu ng iba’t ibang korte sa Batangas tulad ng mga kasong murder, robbery at car theft matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa Brgy.Caloocan, Talisay City ng lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Namatay ang isang la­laking wanted sa batas ma­ging ang nobya nito matapos na sumabog ang dalang granada ng una habang tumatakas sa mga otoridad na humahabol sa kanila naganap kamakalawa ng hapon sa Talisay, Batangas.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Jeffrey Escobido, no. 2 most wanted na kriminal sa Southern Tagalog Region at nobya nito na si Jhoan Escano.

 Batay sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon ay tinutugis ng mga otoridad si Escobido na may 12 warrant of arrest na inisyu ng iba’t ibang korte sa Batangas tulad ng mga kasong murder, robbery at car theft matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa Brgy.Caloocan, Talisay City ng lalawigan.

Si Escobido ay miyembro rin ng Magtanggol de Castro gun for hire gang na nalansag ng mga otoridad sa Candelaria, Quezon noong Hulyo ng taong ito.

Papasok pa lamang sa nasabing lugar ang mga operatiba ng pulisya upang isilbi ang warrant of arrest ay tumakas ito lulan ng isang sasakyan kasama ang kaniyang nobya.

Hinabol ang suspek ng mga otoridad na nagpapa­putok ng baril na ipinalalagay naman nila na ang nobya nito ang nagmamaneho ng sasakyan.

Habang naghahabulan ay may sumabog sa loob ng behikulo na isang granada na hinihinalang plano ng suspek na ihagis sa mga humahabol na mga otoridad.

vuukle comment

JEFFREY ESCOBIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with