^

Police Metro

7 BIFF patay sa sagupaan

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
7 BIFF patay sa sagupaan
Ang mga nasawing BIFF terrorists ay kinilala sa mga alyas lamang na Abdullah umano’y Sub –Commander ng grupo; alyas Rasul, Bayan, Hamdan, Abubakar, Tima at Hairiya.
John Unson, File

MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang 7 pinaghihinalaang miyembro ng mga lokal na teroristang  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa inilunsad na mortar shelling at surgical operations sa Brgy. Darampua, Sultan Sabarongis, Maguindanao.

Ang mga nasawing BIFF terrorists ay kinilala sa mga alyas lamang na Abdullah umano’y Sub –Commander ng grupo; alyas Rasul, Bayan, Hamdan, Abubakar, Tima at Hairiya.

Sinabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID),  nag-umpisa ang bakbakan bandang alas-12:00 ng tanghali nitong Lunes at nagpatuloy hanggang dakong alas-10:00 ng gabi ng nasabing araw.

Nabatid na nagpa­kawala ng mortar shelling at howitzer ang tropa ng Army’s 6011st Infantry Brigade laban sa grupo ni BIFF Sub-Commander Salahuddin Hassan sa ilalim ng paksyon ni Abu Torayfe.

Una nang inalerto ang tropa ng mga sundalo sa Central Mindanao laban sa bantang pagpapalawak pa ng paglulunsad nang pag-atake ng BIFF matapos namang mapagtibay ang Bangsa­moro Organic Law (BOL) pabor sa Moro Islamic Li­beration Front (MILF).

Ang BIFF na sangkot sa extortion at serye ng pambobomba sa Central Mindanao ay nahahati sa tatlong paksyon kung saan bukod sa mga fighters ay may mga bomb expert sa naturang grupo.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with