^

Police Metro

Ginang utas sa lover na sundalo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ang isang ginang ng kanyang lover na sundalo habang sila ay nagtatalo naganap kamakalawa sa Baguio City.

Ang nasawi ay kinilalang si Shaena Marie de Asis Fabroa, 23, residente sa Camp Allen sa lungsod ng Baguio.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspect na si Technical Sgt. Louiw Balanay, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Civil Relation Service (CRS) na nakabase sa nabanggit na kampo.

Sa report ng Cordillera Police, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa loob ng tinutuluyang quarters ng nasabing sundalo ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa matapos akusahan ng biktima ang sundalo ay may ibang pamilya sa Tarlac.

Dito ay itinutok ng sundalo ang kanyang cal.45 baril na inagaw umano ng biktima kaya sila ay nagpambuno hanggang sa ito ay pumutok at tamaan ang huli sa ulo.

vuukle comment

SHAENA MARIE DE ASIS FABROA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with