^

Police Metro

HVT tiklo sa P6.5-M shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang High Value Target (HVT) ng pulisya ang nasakote sa isang drug buy bust operation at nasamsam dito ang nasa P 6.5 milyon halaga ng shabu kahapon ng umaga sa Upper Kawayan, Brgy. Sambag 2, Cebu City.

Ang nasakote ay kinilalang si Rainhard Barring Moreno, 29, naka­tala bilang HVT sa drug list  ng Cebu City Police.

Batay sa ulat, nasakote ang suspek dakong alas-6:35 ng umaga sa operasyon ng anti-drug operatives ng Cebu City Police  sa nasabing lugar.

Nabatid na una nang nasakote ang suspek noong 2016 sa pag-ii­ngat ng nabulphine, isang uri ng droga at nasakote rin nitong nakalipas na taon ng drug paraphernalias.

Hindi umano tumigil ang suspek sa pagbebenta ng nasabing itinuturok na uri ng droga na ang epekto ay nagdidiliryo ang gagamit nito at mawawala sa katinuan bukod pa sa iba pang uri ng pinsala sa kalusugan,

Kaya’t sinalakay ng mga operatiba ang drug den ni Moreno  at mismong mga otoridad ay nasorpresa nang tumambad sa kanila ang bulto ng shabu na nasa pag-iingat nito na aabot sa P6.5 milyon ang halaga.

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with