PNP drug list tumaas
MANILA, Philippines — Mahigit sa 100 ang itinaas na tinutugis na High Value Target (HVT) ng PNP kaugnay ng patuloy na anti-drug campaign upang tuldukan ang problema sa droga sa bansa.
Ito ang pag-amin kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde base sa monitoring ng intelligence operatives ng pambansang pulisya.
Mula sa naitalang 9,866 target na high value targets mula Hunyo 30, 2018 hanggang Agosto 15, 2018 ay tumaas ito sa 9,972 o 106 na nadagdag sa listahan kumpara nang nasabing period noong nagdaang taon.
Sinabi ni Albayalde na hindi naman siya dismayado dahilan tuluy-tuloy ang anti-drug campaign ng PNP anti-drug operatives.
- Latest