^

Police Metro

Sibilyan bawal pumatay ng ‘ninja cop’

Joy Cantos - Pang-masa
Sibilyan bawal pumatay ng �ninja cop�
Ito ang paglilinaw kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos na ­itaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P 5 M reward sa bawat isang mapapatay na ninja cop at P10,000 naman sa mga mahuhuling buhay.
File

Para makuha lang ang P5-M reward...

MANILA, Philippines — Bawal pumatay ang sibilyan sa mga “ninja cops” o police scalawags na nagre-recycle ng droga para makuha ang P5 milyon reward.

Ito ang paglilinaw kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos na ­itaas  ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P 5 M reward sa bawat isang mapapatay na ninja cop at P10,000 naman sa mga mahuhuling buhay.

Anya, mapupunta ang P 5 M reward sa mga sibil­yang tipster na makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo para sa ikalilipol ng mga tinaguriang   ninja cops at iba pang mga pulis na sangkot sa korapsyon o iba pang uri ng katiwalian.

Nabatid na matapos itaas ang reward ni Pa­ngulong Duterte ay tatlong umano’y ninja cops ang napatay sa operasyon sa lalawigan ng Quezon at Zamboanga  City nitong mga nagdaang araw.

Ipinaliwanag din ni Albayalde ang pangamba sa “bounty hunting” ng mga pulis sa kanilang kabaro dahil hindi rin kuwalipikado sa reward ang nag-ooperate na mga pulis .

Matinding imbestigasyon muna ang isasagawa ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) bago hulihin at ibigay ang reward sa mga sibilyang tipster na magtuturo ng target na ninja cops.

Binigyang diin pa ni Albayalde na tulad sa anti-drug campaign ay magiging puspusan din ang kanilang operasyon laban sa mga ninja cops na nagsisilbing batik sa imahe ng pambansang pulisya.

Sa tala ng PNP-CITF, nasa mahigit 1,000 ang mga ninja cops kung saan nasa 1,700 ang kabuuang bilang ng mga pulis na sangkot sa illegal na aktibidades kabilang ang extortion.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with