^

Police Metro

3 timbog sa droga

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng tatlong drug suspects matapos na madakip sa ikinasang buy-bust operation sa kanila ng mga otoridad kamakalawa ng hapon sa Crossing Kanto, Barangay Poblacion Uno, sa Cotabato City.

 

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Bulljack Guiwan Dalama alyas ‘Bulljack’, 41; Toten Dus Dalama, 37; kapwa residente ng naturang lugar; at Roberto Carbo Trecero, 31 taong gulan, residente ng Lombo, Awang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Batay sa report ng pulisya, pasado ala-1:00 ng hapon nang makipagkita ang mga suspek sa isang police asset na nagpanggap na buyer.

Sa hudyat ng police asset ay pinalibutan ng mga otoridad ang mga suspek at agad na dinakip.

Nakuha mula sa kanila ang 17 pakete ng hinihinalaang shabu, P500.00 marked money, mga cellphone, gunting at stick.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with