^

Police Metro

Army patay vs NPA rebs

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Isang sundalo ang magiting na nagbuwis ng kanyang buhay makaraang makasagupa ng tropang gobyerno ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa bayan ng Tagkawayan, Quezon nitong Biyernes ng hapon.

 

Ayon kay Capt. Joash Pramis, tagapagsalita ng Army’s 9th Infantry Division, hindi na muna tinukoy ang nasawing sundalo dahil kailangan pa munang impormahan ang kanyang pamilya.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang bakbakan matapos rumesponde ang mga sundalo kaugnay ng ulat sa presensya ng mga armadong rebelde sa bisinidad ng Brgy. Maguibuay sa nasabing lugar.

Ang mga rebelde ay nangongotong umano ng pagkain, pera at iba pa at hinaharass pa mga naninirahan sa lugar.

Gayunman, sa kasagsagan palitan ng putok ay nasapol na ang isang sundalo na nasawi sa insidente. 

Tumagal ang bakbakan ng 30 minuto bago nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatan bitbit ang mga nalagas sa kanilang puwersa.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with