^

Police Metro

3 pusher dedo sa drug-bust

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa
3 pusher dedo sa drug-bust

MANILA, Philippines — Bumulagta ang tatlong sinasabing kilabot na mga ‘tulak’ ng shabu makaraang pumalag sa anti-drug ­operatives ng pulisya sa  magkakahiwalay drug operation sa lalawigan ng Laguna at Cavite nitong Biyernes.

 

Sa report ni Sr. Supt. John Kirby Kraft, Acting Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office (PPO), bandang alas-3:00 ng hapon kamakalawa nang magsagawa ng buy-bust ­operation ang kaniyang mga tauhan sa Brgy. Mamatid, Cabuyao City.

Gayunman, nakatunog ang mga target na drug pushers na sina ­Ahmad Rataban at Kervin Gerolao alyas ‘Biboy’ na agad pinaputukan ang mga pulis na aaresto sa mga ito.

Agad namang gumanti ng putok ang mga ­operatiba na nagresulta sa pagkamatay nina Rataban at Gerolao matapos ang ilang minutong putukan. Ang mga ito ay pawang nasa druglist ng pulisya.

Narekober mula sa bangkay ng mga suspek ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P365,000 at dalawang kalibre. 38 baril.

Sa report naman ni CALABARZON Police Dir. P/Chief Supt. Edward Carranza, napatay naman matapos na pu­malag sa anti-drug operatives ang drug pusher na si Jayson Matias sa Brgy. Putol, Kawit dakong alas-11:30 ng gabi.

Bago ito ay nakipag-deal ang mga operatiba sa suspek na bibili ng ilang sachet ng droga pero agad nagpaputok ng baril ang tulak ng makatunog na mga operatiba ang kaniyang ka-deal na nagresulta sa palitan ng putok ng magkabilang panig.

Kabilang ang suspek sa drug list ng Kawit Police.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with