^

Police Metro

‘Driver-only’ car ban sa EDSA sinuspinde

Lordeth Bonilla - Pang-masa
�Driver-only� car ban sa EDSA sinuspinde
Sa ilalim ng HOV scheme, hindi puwedeng bumaybay sa EDSA ang kotse na driver lang ang sakay tuwing rush hour, Lunes hanggang Biyernes.
File

MANILA, Philippines — Sinuspinde kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nakatakdang implementasyon sa susunod na linggo ng high occupancy vehicle (HOV) traffic scheme sa EDSA.

 

Kasalukuyan pa lang na nasa dry-run stage ang panukala at sinasabihan lang ang mga lumalabag at hindi pinagmumulta.Nakatakda sana ang full implementation nito sa Agosto 23. 

Sa ilalim ng HOV scheme, hindi puwedeng bumaybay sa EDSA ang kotse na driver lang ang sakay tuwing rush hour, Lunes hanggang Biyernes. 

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, hindi muna ito ipatutupad hangga’t hindi pa nagpupulong ang Metro Manila Council (MMC). 

Pero paglilinaw ni Garcia, tuloy pa rin ang dry-run na magtatapos sana bago ang full implementation sa susunod na linggo.

Giit pa niya, walang ka­pangyarihan ang MMDA na ipatigil ito dahil mga alkalde ng Metro Manila ang dapat magdesisyon.

Inulan ng reklamo ang HOV scheme dahil hindi umano ito nakatulong para mapabilis ang biyahe sa kahabaan ng EDSA at lalo pang napasikip ang mga kalye sa paligid nito.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with