Ginang na drug pusher tiklo sa P.6-M droga
MANILA, Philippines — Isang 42-anyos na ginang ang nadakip ng mga pulis sa isinagawang buy- bust operation sa isang village sa Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite
Kinilala ang suspek na si Rowena Eugenio alyas “Wen”, may-asawa, ng Blk. 25, Lot 12, Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat, nagpanggap na buyer ang isang police asset at bumili sa suspek na shabu na halagang P2,000.
Matapos na mapagbilhan ay dito na isinagawa ang paglusob at pag-aresto sa ginang na nakuhaan ng tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng may 100 gramo na may street value na nagkakahalaga ng P680,000.00.
Ang suspek ay kilalang bigtime drug pusher sa nasabing lugar at sa Dasmariñas City, Cavite.
- Latest