^

Police Metro

Graduating student todas, 6 sugatan sa car crash

Cristina Timbang - Pang-masa
Graduating student todas, 6 sugatan sa car crash
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-4:20 ng madaling araw ay sakay ang mga biktima ng nasabing kotse (AEA-6999) na minamaneho ni Mojica nang bigla umanong nawala sa kontrol ang manibela.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 19-anyos na graduating student habang ang anim nitong pinsan ay nasugatan matapos na sumalpok sa pader ang minamaneho niyang Toyota Wigo sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Highway, Brgy. Niogan, Tagaytay City, Cavite, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Karl Howell Bello, binata, 4th year college student at residente ng Magallanes, Cavite.

Ang mga nasugatan na pinsan nito ay kinilalang sina Mary Ann Sarabia, 27; Karen Rollo, 25; Angelo Salgado, 26; Jessica Villa Luz, 26; Jem Rodny Diones, 25 at ang driver ng kotse na si Gian Carlo Mojica, 22.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-4:20 ng madaling araw ay sakay ang mga biktima ng nasabing kotse (AEA-6999) na minamaneho ni Mojica nang bigla umanong nawala sa kontrol ang manibela.

Sa bilis ng takbo ay hindi na ito nakayanan ni Mojica kung kaya tuloy tuloy itong sumalpok sa malaking pader sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng impact ay halos mawasak ang sasakyan na ikinamatay agad ni Bello na napuruhan sa ulo.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakainom ng alak si Mojica at posibleng hindi nito nakayanan ang antok kaya’t naganap ang aksidente.

vuukle comment

KARL HOWELL BELLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with