^

Police Metro

Ama, 3 anak tiklo sa P4.2-M shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasama ng isang ama ang tatlo niyang anak sa kulungan matapos na sila ay maaresto sa isang drug buy bust operation at nakumpiska ang isang malaking plastic bag na naglalaman ng shabu na umaabot sa P4,250,000.00 sa Brgy.Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang mag-aama na sina Paks Bongcarao, 63,tubong Lanao; mga anak na sina Anisah Bongcarao, 19; alyas Dagul, 15 at Gagil, 17 na pawang residente ng Excess Lot, Brgy. Datu Esmael.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang isagawa ng mga otoridad ang isang buy bust laban sa mga suspek na kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer na nakipagtransaksyon sa mga suspek para bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P4,500.

Nang matanggap ng poseur buyer ang items ay dito na sumalakay ang mga kasamang pulis at naaresto ang mag-aama.

Narekober ang isang malaking plastic bag na kulay berde na naglalaman ng may 7 pang transparent plastic cellophanes na may mga lamang shabu na tumtimbang ng mahigit sa 625 gramo na nagkakahalaga ng P4,250,000.

vuukle comment

PAKS BONGCARAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with